Posts

Showing posts from February, 2018

Hustisyang Para Lang sa Mayaman

Image
Hustisyang Para Lang sa Mayaman             Hustisya. Isang maikling salita ngunit mabigat ang kahulugan. Ano nga ba ang hustisya? Ang hustisya o katarungan ay tumutukoy sa katuwiran, pagiging wasto o kawastuhan, katumpakan, at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman. Kung ang hustisya ay ang pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman, bakit tila mailap ito sa mga mahihirap at ordinaryong Pilipino? Sa mga nangyayari sa bayan natin ngayon, di natin maipagkakaila na naglaho na ang salitang pagkakapantay-pantay sa harap ng hustisya.             Maraming balita ang naglipa na kung saan sangkot ang mga opisyal ng gobyerno o mga makapangyarihang tao sa mga kaso ng kurapsyon, plander at iba pang mga kabulastugang gawain ngunit ni isa sa mga taong ito walang naparusahan at karamihan ay nakakalusot. Tulad na lamang ng nangyari sa Maguindanao Massacre, lumipas na ang walong taon ngunit wala pa ring napapar