Hustisyang Para Lang sa Mayaman
Hustisyang Para Lang sa Mayaman Hustisya. Isang maikling salita ngunit mabigat ang kahulugan. Ano nga ba ang hustisya? Ang hustisya o katarungan ay tumutukoy sa katuwiran, pagiging wasto o kawastuhan, katumpakan, at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman. Kung ang hustisya ay ang pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman, bakit tila mailap ito sa mga mahihirap at ordinaryong Pilipino? Sa mga nangyayari sa bayan natin ngayon, di natin maipagkakaila na naglaho na ang salitang pagkakapantay-pantay sa harap ng hustisya. Maraming balita ang naglipa na kung saan sangkot ang mga opisyal ng gobyerno o mga makapangyarihang tao sa mga kaso ng kurapsyon, plander at iba pang mga kabulastugang gawain ngunit ni isa sa mga taong ito walang naparusahan at kara...